Ito ba ang unang pagkakataon na marinig mo ang ganitong pangungusap; "ang kumita ng isang milyong piso o higit pa sa pamamagitan lamang ng freelancing"?
Hindi ako magiging tapat sa iyo kung sasabihin ko ngayon na madali lamang ang paraan para ka kumita ng isang milyong piso, o kahit na nga isang daang libong piso sa isang taon sa trabaho bilang isang freelancer. Hindi sapat ang pumasok ka sa butas ng karayom para kumita ng salapi sa trabaho man o negosyo. Isang sakripisyo ang kailangan mong pagdaanan bago ka kumita ng malaki sa pag-freelancing. Dapat kaya mong i-isantabi ang iyong pride kapag tinanong ka ng mga kakilala, kapitbahay at mga kaibigan mo (lalo na ng mga kamag-anak mo) ng ganito, "Bakit hindi ka yata nagta-trabaho?" o kaya naman ay ganito, "Bakit hindi ka maghanap ng maayos na trabaho at sinasayang mo ang pinag-aralan mo?" o ang mas matindi, "Nasisiraan ka na ba, anong ipapakain mo sa pamilya mo kung barya-barya lang kinikita mo dyan sa pagpi-freelance mo?"
Ang tanong ko sa'yo kaibigan, kaya mo bang i-isantabi ang pride mo at harapin ang ganitong mga pagsubok at paghamon sa kakayahan mo? Kaya mo bang dibdibin ang mga masasakit na maririnig mo mula sa mga taong akala mo ay bilib sa kakayahan mo? Kaya mo bang tiisin ang pagkalam ng iyong sikmura at kung minsan maging ang sikmura ng iyong pamilya dahil kakaramput lamang ang kinikita mo bilang nag-uumpisa pa lamang sa freelancing na trabaho at kailangan ninyong pagkasyahin ang panimulang kinikita mo? At sa kabila ng lahat ng ito, kaya mo pa din bang maging positibo ang pananaw sa buhay at bibilib ka pa din ba sa kakayahan mo at maniniwala ka pa din na isang araw ay magiging matagumpay ka pa din bilang isang freelancer?
Ito ang mga pagsubok na maraming taong nangarap maging full-time na freelancer ang umayaw na lamang (at ang ilan pa nga di man lang nagsimula ay tumalikod na). At ito din ang dahilan kung bakit iilan lamang ang nagiging matagumpay na freelancers sa atin: mga freelancers na kumikita ng isang milyon o higit pa sa isang taon at may malaking oras para sa pamilya at may malawak na pagkakataon na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtayo sa sariling paa (at di nakaasa sa 'pasahod' ng ibang tao o kumpanya).
Ngayon, kung handa ka nang maging freelancer at willing ka na i-give-up ang lahat kasama ang iyong pride, ibabahagi ko naman ang mga hakbang kung paano maging matagumpay na freelancer sa susunod kong blog.
Paano Maging Tunay Na Successful?
Ang blog na ito ay isinulat ko para sa aking kapwa Pilipino. Sama-sama nating yakapin ang buhay na successful.
Paano Maging Milyonaryo Sa Real Estate Kahit Hindi Ka Naman Real Estate Agent
Ang kuwentong ibabahagi ko ngayon ay tungkol naman ito sa kung papaano magkaroon ng isang milyon o higit pa sa pamamagitan ng pagma-may-ari ng lupa o real estate. Ito ay halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng mga magulang ko.
Mahigit na 25 taon ang nakalipas, may isang nakatiwangwang na bakanteng lote ang na foreclosed ng isang bangko sa aming probinsiya noon. Ito ay may sukat na 1,000 metro kuwadrado (1,000 square meters). Ang halaga ng bawat metro kuwadrado noon ay nasa P40 pesos lamang kaya ang kabuuang halaga nito noong mga panahong iyon ay nasa P42,000 lamang. At dahil masipag, maparaan at maraming 'raket' ang nanay ko mula sa kanyang pagbebenta ng mga beauty products katulad ng Avon, nakapag-ipon siya ng mahigit sa P42,000 na lingid sa kaalaman ng tatay ko na isang ordinaryong empleyado. Sumali sa tinatawag na bidding ang nanay ko at naibigay sa kaniya ang ari-ariang ito sa halagang P42,001. Totoo yun, P42,001 ang halaga dahil itinaas ng nanay ko sa halagang piso ang orihinal na halaga ng ibini-bid na lupa kaya ito ay nakuha niya sa halagang P42,001!
Makalipas ang 25 taon, naging maunlad ang karatig ng bakanteng loteng ito at marami na ang mga kabahayan sa paligid ng lupang dating nakatiwangwang lamang. Sa katunayan, ang halaga ng bawat metro kuwadrado ng lupain na nasa paligid ng bakanteng loteng ito ay nasa P1,500 hanggang P1,800 na!
Kaya kung ibebenta ng nanay ko ngayon ang lupang kanyang nabili sa halagang P42,001 noon, ito ay nagkakahalaga na ng P1,800,000 pesos!
Ang pag-iingat ng mga lupain ang isa sa mga sikreto ng mga mayayamang angkan na may malawak na lupain noong unang panahon na sa kasalukuyan ay nagkakahalaga na ng ilang daang milyon hanggang ilang bilyong piso na.
Kaya, kaibigan, kung may pagkakataon kang makabili ng sariling lupain o lote, sunggaban mo na agad ito sa lalong madaling panahon. Dahil tiyak na darating ang araw, ang lupang inaalagaan mo ngayon ay maaaring makapagdulot ng kayamanan sa iyo at sa iyong pamilya balang-araw.

Sino si Harold Javier
Sa mga sandaling binabasa mo ang post na ito, siguro itinatanong mo sa sarili mo na, "Sino ba ang author ng blog na ito?". O kaya naman ang tanong mo siguro ay, "Ano naman kaya ang mapapala ko sa pagbabasa ko sa mga posts sa page na ito?". O baka naman ganito ang tanong mo sa sarili mo, "May K ba naman kaya ang nagsulat ng blog na ito tungkol sa mga usapin na may kinalaman sa success?"
O siya sige na nga, magpapaliwanag ako. Maaaring hindi mo ako kilala ng personal. Maaaring hindi din naman kita kilala o na-meet man lang sa buong buhay ko. At dahil curious kang malaman kung sino nga ba ako, sisimulan ko na ang pagpapakilala ko sa iyo.
Ang pangalan ko ay Harold Javier. Isa akong ordinaryong citizen ng Republika ng Pilipinas. Isa akong dating consultant ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Isa rin akong dating college professor ng isa sa pinakamahusay na unibersidad sa Pilipinas pagdating sa larangan ng engineering at Information Technology o IT. Dati rin akong naging administrator ng software company at naging espesyalista ng United Nations (UN) Volunteers Programme. Mayroon akong ilang maliliit na negosyo katulad ng farming, lending, house-for-rent, at investing na nagbibigay sa akin ng passive income. Kung minsan nagbibigay din ako ng exclusive na pagsasanay sa larangan ng IT sa mga pribadong kumpanya na nagdudulot din sa akin ng karagdagang income. Sa kasalukuyan, ako ay nagmamay-ari ng isang startup company na gumagawa ng mga web at mobile applications at may kliyente hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa Middle East.
Taong 2004, nagkaroon ako ng pagkakataong mabasa ang librong isinulat ni Robert Kiyosaki na Rich Dad, Poor Dad. Dito ako nagkaroon ng idea na magnegosyo sa pamamagitan ng pagpapa-utang ng puhunan sa mga negosyante na kahit wala akong sariling pera o savings. Nagsimula ako sa pamamagitan ng pag-utang ng 50,000.00 pesos sa isang bangko na kahit walang collateral. Ginamit ko ang puhunang ito para kumita nang hindi nagbebenta o nag-aalok ng anumang produkto. At dito nagsimula ang maliit kong "success" sa pananalapi.
Nang maging successful ang una kong negosyo sa pagpapautang (na ika nga eh kahit singkong duling ay wala akong sariling pera na inilabas), nagsimula na akong mag-invest sa iba't ibang klase pa ng maliliit na negosyo gamit ang interest na kinita ko mula dito. May farming, may lending, may computer retail business, may software development business, at iba't iba pang uri ng negosyo. Sa katunayan niyan, nagmula sa mga kinita ko sa mga maliliit na negosyo kong ito ako kumuha para sa lahat ng mga naging gastusin sa pagpapakasal namin ng aking dating kasintahan na ngayon ay misis ko na mula sa gastusin sa reception sa isang magarang hotel sa Maynila, at maging sa mga naging gastusin namin sa pagsisimula namin bilang mag-asawa at hanggang sa maipanganak ang aming dalawang supling sa de-kalidad at pribadong ospital.
Siyempre naman, hindi ko ipagkakaila sa iyo na hindi lahat ng negosyo na sinimulan at pinasok ko ay naging successful. Ang totoo nga niyan eh mas marami ang mga failed businesses ko kesa sa successful businesses ko. Pero alam mo ba na sa mga failed businesses ko, eh doon ako mas natuto? Dito ko din mas lalong naunawaan ang salitang successful.
Ang mga simpleng karanasan ko sa buhay at mga simpleng success stories ko ang dahilan kung bakit sa tingin ko ay may "K" ako na ibahagi sa iyo ang aking naging mga karanasan, mga kuwento, at mga samut-saring kaalaman tungkol sa tunay na kahulugan ng pagiging successful. Katulad mo, isa lang din akong ordinaryong Pilipino na naghahangad ng tagumpay at patuloy na naghahangad na makamit ang marami pang ambisyon at pangarap sa aking buhay at sa buhay ng aking pamilya. Siguro mas marami lang akong karanasan sa maliliit na successes na maaaring makakapagbigay sa iyo ng inspirasyon at gabay. Naniniwala kase ako na ikaw mismo, gaano ka man ka-ordinaryo, ay makakaranas din ng success kung alam mo ang tunay na kahulugan nito at ang kahalagahan nito sa buhay mo at sa buhay ng mga taong mahal mo.
Pero sana bago mo simulang basahin ang mga susunod kong kuwento, nakahanda kang buksan ang iyong isipan para matuto at gamitin ang aking mga mensahe para sa iyong ikauunlad.
Ready ka na ba? Tara at simulan na natin ang mga kuwento ko kung Paano Maging Tunay Na Successful!
Test Your Limits Until You Become Successful
Naaalala mo pa ba noong kabataan mo kung ilang beses mong sinubukan ang iyong limitasyon? Natuto kang maglakad sa pamamagitan ng ilang ulit na pagkadapa, at pagkatumba hanggang makuha mo ang tamang 'timpla' at hayun isang araw eh marunong ka na maglakad. Dati rati limitado ka lang sa paggapang sa kama o sa kuna, pero ngayon mabilis ka pa sa kabayo kung tumakbo! Nalampasan mo ang limitasyon mo sa paggapang.
Marunong ka ba mag-bisikleta? Kung oo, paano ka natuto mag-bisikleta? Siguro maraming beses ka din natumba, nadapa, at kung minsan may gasgas ka pa sa tuhod o sa siko. Pero hindi ka sumuko. Sinubukan mo pa rin. Hayun, isang araw marunong ka na mag-bisikleta. Nalampasan mo ang limitasyon mo sa paglalakad.
Marunong ka ba magpatakbo ng motorsiklo o mag-drive ng kotse? Kung oo, paano ka natuto magmaneho? Siguro may ilang ulit ka ding namatayan ng makina o kaya napabigla sa pag-apak (kotse) o pagpihit (motorsiklo) sa silinyador? May mga pagkakataon ka pa siguro na akala mo mababangga ka ng kasalubong mo sa kalsada o kaya naman eh 'nadaplisan' mo ang nakasalubong mo at nakaramdam ka ng takot. Pero anong ginawa mo? Hindi ka sumuko. Ipinagpatuloy mo pa din. Isang araw marunong ka na magmaneho ng kotse o ng motorsiklo. Nalampasan mo ang limitasyon mo sa pagbibisikleta.
Maitanong ko lang, bakit mo ginawa ang mga iyon? Bakit sinusubukan mong lampasan ang iyong mga limitasyon? Pwede ka naman sanang komportable lang na nakahiga sa kuna o sa kama at hindi ka na nadapa sa kakasubok mo para matuto maglakad? Pwede ka naman sana maglakad na lang at hindi ka na sumubok mag-bisikleta para hindi ka na nagasgasan? Pwede ka naman sana mag-bisikleta na lang at hindi ka na sumubok magmaneho ng motorsiklo o ng kotse para hindi ka na nakaramdam ng ganoong takot habang nasa kalye at maraming mabibilis na sasakyan kang makakasalubong?
Ah alam ko na. Siguro kaya mo ginawa ang mga iyon kase nakita mo ang 'benefits' nito sa iyo at marahil nakita mo din ang 'freedom' o excitement na nararamdaman ng ibang taong gumagawa nito? At dahil natutunan mo at nalampasan ang iyong mga limitasyon eh mas marami kang nagagawa at mas malayo ang iyong nararating.
Pero alam mo ba sa "kasamaang-palad", habang tumatanda tayo ay mas lumiliit ang pagkakataon na i-test natin ang ating mga limitasyon. Dahil sa takot na itinuturo sa atin at minsan dahil na rin sa mga insecurities na nabubuo sa atin dahil sa impluwensiya ng mga taong nakakasama at nakakahalubilo natin, hayun nililimitahan natin ang sarili natin. Ang kakayahan natin at maging ang mga potential natin. Madalas nga gusto mo ay na sa "safe side" ka dahil sa takot na baka hindi ka matanggap ng mga kaibigan mo, ng mga kapitbahay mo, ng boss mo, ng mga ka-opisina mo, at lalo ng pamilya mo.
Pero gusto mo maging successful, tama ba? Gusto mo ba talaga? Sasabihin ko sa iyo ang isang sikreto. Ang mga tao na tunay na successful sa kanilang career o maging sa negosyo, palagi nilang sinusubukan at pinipilit lampasan ang kanilang limitasyon. At kadalasan ginagawa nila ito araw-araw na para bang isang bata. Madalas kahit matanda na sila, nadadapa pa din sila. Nalulugi. Nasasaktan. Pinagtatawanan. Kinakantiyawan. Pero hindi pa rin sila sumusuko. Try pa din ng try. Pag hindi nila alam, pipilitin pa din nilang alamin. Magbabasa, magtatanong, magre-research, at hayun magta-try na naman ulit. Isang araw, sa isang maliit na pagkakataon may makikita silang malaking opportunidad. At dahil hindi sila sumuko sa kaka-try, naging successful sila. Sabi nga di ba, "Behind every success story, is a long list of mistakes."
Simula ngayon, mag-try ka lang ng mag-try. Huwag ka magse-settle kung ano sa palagay mo o lalo na kung ano sa palagay ng ibang tao para sa iyo sa kung hanggang saan lang ang limitasyon mo. Magbasa ka. Magtanong ka sa taong totoong successful. Mag-research ka. At higit sa lahat kapag natuklasan mo na ang mga hakbang na dapat mong gawin, simulan mo nang gawin. No excuses. Just do it right away. If you failed, try again. Never give up. Nakakatiyak ako, isang araw ikaw naman ang magbabahagi ng iyong kuwento kung paano ka naging successful dahil hindi ka sumuko sa pag-test ng iyong limitasyon.

Paano Magkaroon Ng Inaasam Na Bagay (Kahit Ito Ay Mamahalin) Kahit Wala Kang Perang Pambili
Paano Maging Successful. Story# 3.
Nakakatatlong kuwento na ako dito sa
ating paboritong blog kung paano maging tunay na successful. Ang pangatlong
kuwento ko naman ay mula sa personal kong karanasan noong taong 2010.
Taong 2010. Hindi ko malilimutan ang
taong ito. Ito ang taon kung kailan kami naging ganap na mag-asawa ng aking
girlfriend na si Lany. Halos siyam na taon din kaming naging magkasintahan bago
namin pinaghandaan at pinagplanuhan ang pagpapakasal.
Pagkatapos ng kasalan, niyaya ako ng
aking mga in-laws na nagta-trabaho sa Singapore na pumunta doon sa kanila para “mag-baka-sakali”
ng kapalaran bilang OFW. Pero dahil wala sa hinagap ko ang magtrabaho sa ibang
bansa noong mga panahong iyon, inirekomenda ko ang aking kapatid na
mag-baka-sakali doon.
Matalino, mahusay, masipag, at
matiyaga ang kapatid ko. Mga katangian ng isang taong makakatagal sa ibang
bansa para magtrabaho. Subali’t walang ganoong lakas ng loob ang kapatid ko
para mag-apply doon. Hinikayat ko siya na ako ang bahalang gagawa ng kanyang
resume at ako ang bibili ng ticket sa eroplano niya papunta ng Singapore. At
sinabi ko pa na kapag hindi siya natanggap sa trabaho sa Singapore sa loob ng
isang buwan, umuwi na lang siya ng Pilipinas at huwag na niyang bayaran ang ticket
sa eroplano na binili ko. Pero kapag siya ay natanggap sa isang kumpanya gamit
ang resume na ginawa ko bago matapos ang isang buwan at kapag siya ay inalok ng
P100,000.00 o higit pa na kita kada buwan sa magiging trabaho niya, ako ay bibilhan
niya ng paborito at inaasam-asam kong laptop sa IT expo sa Singapore.
Ano sa palagay mo ang sumunod na
nangyari?
Tama ka. Natanggap siya sa trabaho sa
loob lamang ng tatlong linggo at inalok ng mahigit P100,000.00 na buwanang kita.
Hindi lamang ang kapatid ko ang nalubos ang kagalakan. Higit akong nag-celebrate
dahil matutupad na ang pangarap kong laptop dahil sa aking ‘mahiwagang’ resume.
Hindi ko naman inaalis ang
katotohanan na kaya siya naging successful sa kanyang pagpunta sa ibang bansa
ay dahil sa kanyang angking talino at abilidad. Subali’t hindi ko din inaalis
na malaking bagay ang nagawa ko sa kanya para makapagbigay ng motivation para
matupad ang pangarap niya na makapagtrabaho sa ibang bansa at kumita ng malaki
at makapag-invest sa negosyo balang araw.
Sa kasalukuyan, maliban sa lalo pang
tumaas ang offer sa kanya, ay nakapag-invest na rin siya sa real estate.
Nakabili na siya ng 5 apartments na up-and-down at na nakuha niya ito ng “bargain”
sa halagang P2,000,000.00. Nakapag-invest na din siya sa farming at lending
businesses ng mahigit P1,000,000.00. Siya na din ang nagpapa-aral sa iba naming
pamangkin. At nabibili na niya ang halos lahat ng paborito ng aming mga
magulang at kapatid. Naisasama na rin niya sila sa pag-tour sa iba’t ibang
bansa. Ang mga bagay na ito ay nangyari lamang sa loob ng tatlong taon.
Naisip mo ba na maaaring ang
pagtulong mo sa iba (kahit na hindi sa material na bagay) lalo na kung
ma-motivate mo sila ay may-doble o triple o higit pang biyaya ang darating sa
iyo? Marunong ang Diyos na lumikha sa atin. At kung kabutihan ang iyong
itinanim, kabutihan din ang iyong aanihin.
O, ano pa ang hinihintay mo? Puntahan
mo na ang kapamilya mo o kamag-anak mo o kaibigan mo o kahit sinong tao na
maaaring mangailangan ng tulong mo. Malay mo ikaw naman ang pagkalooban ng
biyaya dahil sa tulong na ipinagkaloob mo sa iba. Ano sa palagay mo?
Paano Palaguin Ang P795 Para Maging P15,000 Sa Loob Lamang Ng Tatlong Linggo
Paano Maging Successful. Story# 2.
Nang mabasa mo ang title ng blog ko na ito, ano ang unang pumasok sa isip mo? Scam? Network Marketing? Pyramiding? o Budol-budol?
Mali ka diyan, partner, kung iyan ang unang naisip mo. Hindi naman kita masisisi at aminado ako na talamak ang ilang scam at budol-budol sa ating bansa.
Itong pangalawang kuwento ko
tungkol sa kung paano maging tunay na successful ay mula ito sa aking tunay na
karanasan noong 2007 at nagsisimula pa lang ako sa aking career bilang isang web
developer.
Natatandaan ko pa noong September
2007 tinawagan ako ng dati kong kaklase noong college na gusto daw niya
magpagawa ng isang computer program para ma-monitor ang kanyang negosyo na call
center. Noong mga panahong iyon, Microsoft Excel lang ang ginagamit na program
ng kanilang mga call center agents sa pag-record ng kanilang araw-araw na
trabaho. At dahil hindi pa ganoon kalaki ang kanilang kumpanya, wala pa silang
malaking budget para ipambili ng mga kilalang software.
Dahil sa aking ginagawang self-advertisement
sa aking mga kaibigan, dating kaklase, at mga kamag-anak na marunong akong gumawa ng isang simpleng website, ako daw ang pumasok sa isip ng
aking dating kaklase para gumawa ng kanilang software. Nagkataon namang wala
akong full-time job noon at nag-iisip ako ng mga ideas kung anong negosyo ang
papasukin ko. Hinamon niya ako na kung magagawa ko daw ang software na gusto
niya sa loob ng 2 hanggang 3 linggo ay babayaran niya ako ng P15,000.00.
Ano sa palagay mo ang ginawa ko?
Tinanggap ko ang hamon kahit sa totoo
lang hindi pa ako nakakagawa ng ganoong klase ng software sa buong buhay ko
(noong mga panahong iyon). Humingi ako ng down payment na P5,000 at siniguro ko
sa kanya na maibibigay ko ang software sa loob ng 3 linggo.
Pagkatapos ng aming meeting sa
Robinson’s Galleria sa Ortigas, dumiretso ako kaagad sa National Bookstore.
Naghanap ako ng libro tungkol sa dynamic web development dahil kailangan ko ding matutunan ang simpleng paggawa ng database para sa kanilang software. Dito ko nakita ang
librong ASP.NET 2.0 in 24 Hours. Nagkakahalaga ito ng P795.00. Matapos kong basahin ang ilang pahina ng libro, nakumbinsi ako na kayang kaya kong matutunan
ang dynamic web development + Visual Basic.NET + SQL sa loob ng ilang araw
kahit totally zero o wala akong alam sa Microsoft.NET.
Ano ang mga sumunod kong hakbang?
Binasa ko, pinag-aralan ko, sinunod
ko at ginawa ang lahat ng mga activities sa libro sa loob ng 5 araw; 10
hanggang 12 oras kada araw. Makalipas ng 5 araw, sinimulan ko na ang
pag-analisa ng software na gusto ayon sa kanilang requirement. Sinimulan ko na din ang
pag-disenyo ng website. At higit sa lahat, sinimulan ko na ang trabaho ng isang
.NET programmer na noong nakaraang limang araw lamang ay wala akong alam o
karanasan sa .NET at SQL database.
Makalipas ang dalawang linggo,
ipinakita ko na ang ginawa kong software. Tinesting nila ito. Mukha namang
na-impress sila. May ilan lang silang gustong pagbabago sa disenyo at kulay ng website, pero overall ay pasado naman ang ginawa ko. At ang pinakamagandang
nangyari ay binayaran na nila ako ng kabuuang P15,000.00!
Simple lang naman ang formula na
natutunan ko mula sa karanasan kong ito para maging successful ka na mapalago ang iyong maliit
na puhunan gamit lamang ang iyong determinasyon at pagpupursige at pagdadagdag
ng bagong skills o kasanayan.
Maliit na puhunan + determinasyon +
pagpupursige + bagong skills o kasanayan = SUCCESS!
Ikaw, kailan mo sisimulang mag-aral
ng bagong kasanayan o skills? Baka sa isang skills na iyan ay magkatotoo na ang
iyong mga pangarap at ambisyon na magpapasaya sa iyo at sa mga taong pag-aalayan
mo ng iyong tagumpay. Ano sa palagay mo?
Paano Kumita ng Pera Kahit Wala Kang Sariling Pera
Paano Maging Successful. Story# 1.
Itong kuwentong ito na ibabahagi ko sa iyo ay personal kong karanasan. Taong 2004, noo'y nagtuturo ako bilang part-time instructor sa isang maliit na Information Technology (IT) school sa Muntinlupa City, nagkaroon ako ng pagkakataong mabasa ang librong isinulat ni Robert Kiyosaki na may title na Rich Dad, Poor Dad sa tuwing bakante ako o kaya ay nasa bahay habang nag-aaral para sa next subject na ituturo ko. Sa loob ng tatlong araw ay natapos ko itong basahin. Dito pumasok sa isip ko kung paano magkaroon ng investment at extra money. Bilang isang part-time na instructor sa isang maliit na school, kumikita lamang ako ng P4,300.00 kada buwan noong mga panahong iyon. Ganun lang kaliit ang kinikita ko dati. Wala man lang akong savings o ipon. Eh sa liit ba naman ng sahod ko ultimo budget sa pagkain araw-araw ay kinakapos pa ako. Wala akong credit card. At lalong wala akong parents na magsusugal ng pera para pautangin ako sa isang negosyong walang katiyakan kung magiging successful o hindi.
Luck (o Suwerte).
Isang araw may tumawag akin. Ang girlfriend kong si Lany. Isa siyang sekretarya sa isang opisina noon. Excited siya na sabihin sa akin na inaaalok daw siya ng isang credit card company na umutang ng pera na may interes lamang na 0.99% kada buwan. At ito ay maaaring bayaran sa loob ng dalawa at kalahating taon o 30 months. Naisip ko napaka-swerte ko naman. Akalain mo na ganun kalaki ang tiwala ng girlfriend ko sa akin na kaya kong palaguin ang uutangin niyang pera sa isang bangko. Napagtanto ko na ito na marahil ang hinihintay kong suwerte. Sa isang kisap-mata (at walang kakurap-kurap_, sinabi ko sa kanya na umutang na siya ng P50,000.00 gamit ang kanyang credit card at ako na ang bahalang magbabayad buwan-buwan sa kanya.
Opportunity (o Pagkakataon).
Makalipas ang isang linggo, na-approved ang inutang na pera ng girlfriend ko mula sa isang credit card company. Kinausap ko ang nanay ko tungkol sa plano kong pagpapautang gamit ang perang inutang ko rin lang. At dahil nasanay na ang nanay ko sa pagpapautang ng puhunan sa mga maliliit na tindahan, binigyan niya ako ng pagkakataon na magpautang ng puhunan sa ilang maliliit na negosyante sa probinsiya na madalas ay nangungutang naman sa ilang private lenders mula 7% hanggang 10% interest monthly. At upang makahikayat ako ng mga negosyanteng mangutang sa akin, nag-alok ako ng mas mababang interest na 5% lamang kada buwan. Malaki ang 5% interest kada buwan, pero mas maliit ito kumpara sa ilang nagpapautang ng 7% to 20% sa probinsiya. Hindi ko sukat akalain na sa loob lamang ng isang araw ay inutang na lahat ang perang puhunan ko at marami pang lumalapit sa akin para mangutang pa ng kanilang gagamiting puhunan o capital sa negosyo. At ito ang naging simula ng success story ko sa lending o pagpapautang kahit wala akong sariling pera o savings.
Paano ako kumita sa lending?
Simple lang naman ang paraan kung paano ka kikita at lalago sa pagpapautang gamit ang perang inutang mo lang din sa iba. Ganito ang ginawa ko:
Ang perang pinautang sa akin ay P50,000.00. Ang interest nito ay 0.99% or P495.00 monthly, tama? Sa loob ng 30 months ang magiging tubo ng bangko sa akin ay P14,850.00 (P495.00 x 30 months). Ang computation ng credit card para sa buwanang babayaran ko ay (P50,000.00 + 14,850.00) / 30 months. Kaya ang magiging buwanang babayaran ko ay P2,161.67 lamang sa loob ng 30 buwan. Pagkatapos ng 30 buwan ay bayad na ang lahat ng utang ko sa bangko.
Ngayon naman, kung ipapautang ko ang perang inutang ko na may interest na 5%, ako ay tutubo ng P2,500.00 kada buwan, tama?. At ang tinubo koong P2,500.00 mula sa pagpapautang ay may sobra pang P338.33 matapos kong mabayaran ang credit card ng P2,161.67 kada buwan. Sa loob ng 30 months, ang sobra sa tinubo ko na P338.33 kada-buwan ay may kabuuang P10,150.00 (P338.33 x 30 months).
P10,150.00 lang ba ang kinita ko sa loob ng 30 buwan? Hindi! Dahil pagkatapos ng 30 months ay maliban sa P10,150.00 na naging savings ko ay nabayaran ko na din ang lahat ng utang ko sa credit card. At heto dito buong-buo pa din ang original na P50,000.00 na pinautang ko at ito ay akin na. Tama ka sa nabasa mo. Akin na ang buong P50,000.00! At ito ay patuloy pa ding kumikita ng interest kada buwan!
Sa loob ng 30 months, nagkaroon ako ng P10,150.00 + P50,000.00 = P60,150.00 mula sa zero (0) savings o walang sariling pera o puhunan. At ang pera ko na P60,150.00 ay patuloy na kumikita ng 5% o P3,007.50 kada buwan at ito ay buong-buo kong natatanggap dahil wala na akong utang sa bangko. Ang kinikita ko dito ay tinatawag na passive income na may unlimited return on investment (ROI).
Anong sumunod kong naging hakbang? Umutang ulit ako sa bangko para maging puhunan ulit sa aking lending business. Ang P60,150.00 na kabuuang kinita ko ay inilagay ko naman sa ibang investment katulad ng farming (ito ay iku-kuwento ko naman sa ibang blog ko).
Madali lang ang paraan, di ba? Kahit wala kang sariling pera ay pwede kang magkaroon ng isang simpleng negosyo o kaya ay karagdagang kita (passive income). Sigurado ako na kayang kaya mong gawin ito kahit ikaw ay isang ordinaryong empleyado o simpleng manggagawa na may maliit na sahod sa kasalukuyan. Ano sa palagay mo? Kailan mo sisimulang pag-aralan ang ganitong paraan ng pagnenegosyo?

Subscribe to:
Posts (Atom)